Wednesday, April 28, 2010

soulbirdmate...may ganun ba?


When you love someone set them free and when they come back then be happy… tsk! Lekat namang kasabihan, hindi totoo yan…lalo na sa point of view ng Love Birds ko L  Last Sunday, masaya pa silang nag bubble bath, I even let them breathe fresh air with Mr. Sunshine and natulog pa kami ng mahimbing. Kinaumagahan, Monday, nadatnan ko pa sila sa cage nila pero nung  ipapasok ko na sila sa loob ng bahay kase aalis na ako to go to office nawawala na si Van!

Nag-iisa na lang si Zig.  Nalungkot din ako.

Natakot akong mamatay sa lungkot si Zig kaya kanina sinama ko sya sa pet shop para hanapan sya ng bagong partner. Worried nga ako kase baka hindi pwede yun sa law ng Love birds… yung tipo bang dapat may soulbirdmate.  Iisa lang ang pwedeg maka partner ng Love Bird or else pag nawala ito eh ikamamatay ng ka-partner nya. So pagdating namin sa pet shop dinala si Zig sa area kung saan napakadaming katulad nya.  May  pinili si kuya from pet shop na pwede daw makasama ni Zig pero kailangang i-test muna. Paano? Ilalagay sya loob ng cage kasama si Zig at pag hindi sila nag-away eh yun na!

Nakakatuwa kase hindi nga sila nag –away at aba ang malanding Zig..nag wi-wiggle pa ang tail pagpasok sa cage ng bago nyang lover. Sabi ni kuya from petshop ibig sabihin daw nun masaya si Zig!
Umuwi kaming tuwang-tuwa, at yung dalawa naglalandian na ulit J
Naisip ko lang, hindi naman sa pagiging bitter pero sana ganun lang kadali ang buhay ng tao. Kaya nga siguro tayo ang naturingang pinakamataas na antas ng nilikha ng Diyos kase kakaiba tayo, iba din ang rules in life.

Imagine layf na parang sa love birds, pag iniwan ka ng taong mahal mo sana ganun lang kadali humanap ng kapalit, halagang P900.00 may bago ka ng partner! Oh kaya naman ganun din kadali ihanap ang mga kaibigan mo ng mamahalin nila, sa halagang P900.00 lang ulit! Yung love birds, wala na masyado arte sa buhay, ayan soulbirdmates pa din sila kahit few hours pa lang sila magkasama. Sa totoong buhay ang dami pang drama, kumplikado! Hmm… bigla mo ba ginusto maging love bird? Hahahaha
Para sakin, OK pa din maging normal na tao, at least hindi ka nakakulong sa cage and limited space lang ang liliparan mo. Ok pa din maging human, kase kahit na nag-iisa ka lang or kaya naman hindi pa dumating ang soulmate mo, pwede ka pa din maging masaya. CHOICE mo naman yun eh diba?

O kaya mag-alaga ka na din ng pet.  :P

WAKAS. 


Notes:
* hindi mo ito sinulat ou of bitterness, analysis lang ( dami kase nag-iisip na pag sumusulat ng ganito eh may galit ( pa) sa buhay
*naniniwala ako na hindi lang iisa ang soulmate ng isang tao, pwedeng madami pero isa lang dapat syempre ang maging final final mo J
* Van, san ka man naroon sana hindi mo masyado na experience ang lupit ng mundo. R.I.P. in advance
* gusto ko na din ng bunny saka ng fish!






No comments:

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...