
Isa kase sya sa mga kaututang dila ko nung siya ay nananatili pa lamang dito sa Pilipinas, isa sa mga nakakita kung paano ako kalakas humagalpak ng tawa, kaarteng umiyak, halos magpakaluka-luka sa damuhong love love na yan at kung ano -ano pa. Kasama ko sya sa mga yugto ng buhay ko nung ako ay nasa rurok ng pagkakilig at kahit na nung sumalampak sa lupa dahil sa pagiging broken hearted


Naku, napakadami ko pang naalala .. pero kanina habang kausap ko sya gamit ang YM ( di nyo na maitatatanong ay ako ang magiging emcee nila sa kanilang Church Wedding *ayus*) nagdidiskusyon kami ng mga wedding supplier. Napatulala ako ng ilang segundo, dati-rati naman ay walang mga ganito..
FLASHBACK : Lalo na doon sa amin sa probinsya, tuwing salo-salo lalo na pag kasalan,alam mo na agad dahil nakabalandra na ang mga dahon ng punong niyog sa garahe, sa gitna ng damuhan na lagyan mo lamang ng mga lamesa at silya ay tuo ka namang "wedding reception" nang matawag. Ibang lebel din ang sayawan sa gabi ng kasal at ang sabugan ng pera kinaumagahan na umaabot ng hanggang isang milyon kung papalarin, naku napakadaming suman ang kapalit noon! Masaya na ang lahat sa salo-salo at ang bagong kasal ay hayun sa gitna kasama ang iba sa presidential table, at sa likudan nila ang styro na desayn kung saan ang pangalan nila ay nakaukit - halimbawa : Pakundo & Amorsilya, may kasama pang puso-puso na may silver glitters sa gilid. Hay naku, simple lang noon subalit ngayon.. iba na..kadami ng echebureche, anik-anik at detalye.
Ang point ko lang naman, ang bilis talaga magbago ng mga bagay (ang excess fat lang yata sa ibaba ng kaliwang mata ko ang hindi nawawala!) Ang sungki kong mga ngipin ay naayos na, naka dalawa pa akong tinapos na kurso subalit iba naman ang naging linya ko, ang bahay namin sa probinsya ay naglevel up na, hindi na ako naghahakot ng tubig sa aming balon, naranasan ko na din ang pagdadalaga, lumandi na din kahit paano, iba't-ibang grupo na ng mga kaibigan ang nakilala ko, pati ang halakhak ko ay nag mature na, mga priority sa buhay iba na din, kahit ang paborito kong kulay nadadagdagan, kulang na lang ay i-declare ko na talagang ROYGBIV!
Lahat ng ito naisip ko kanina habang kausap ko ang aking kaibigan, dati rati kasi ay puro kadramahan sa buhay ang pinaguusapan namin, mas madalas na ako lang ang nagsasalita, iba-ibang yugto sa buhay at kanina ay iba na naman ang aming subject. Kahit sa panaginip ay hindi ko inaakalang pinaguusapan na namin ulit ang mga maseselang bagay sa mga buhay namin, pero ang kaibihan ay iba na ang mga karakter. ( Ano ba namang iPod ito...bigla-bigla na lang tumugtog ang Lumayo Ka Man Sa Akin na dati-rati ay kanta ni Rodel Naval pero dahil uso ang remake ay eto't si Bugoy Drilon na ang umaawit..hahayaan ko na lang na background music ito habang itutuloy ko ang akong pagsulat) Noon ay puro antagonist ang diskusyon namin, aba't mantakin mong mga bida naman ngayon! Hay Buhay, talagang isang engrandeng pelikula ( sa mga hayuk sa telebisyon - ang tawag dito ay telenovela pero mas matindi yung iba - Koreanovela) Lagi nating ini-imagine na tayo ang bida, ang inaapi, ang naghihirap, ang binibigyan ng uber daming pagsubok (parang ako noong bata pa lang, mga 7 yrs.old- akala ko sakin lang gumagalaw ang mundo, sakin ang spotlight at lahat ay mga extra lang. Napatunayan ko na nga atang baliw talaga ako. Napakaganda ko naman baliw kung ganun!

Sa aking kaibigan, congrats sa nalalapit na kasal, alam ko masaya ka :) masaya din kami para sayo. Hayaan mo't sa kaarawan mo ay bibigyan din kita ng sarili mong espasyo dito sa aking mumunting paraiso. Hanggang sa susunod na kabanata..mahaba-haba pa ang lalakbayin nating lahat isara ang pinilakang tabing.
3 comments:
awwww...sweet, naluluha ako na napap ngiti sa pagbasa ng iyong telenobela. at ngayon, napapatagalog na ren.
You know why I love you? Kasi you're real. I think that sums up your personality. Whether you are ma drama, maypagka adik, creative, OC, maselan, kikay, hyper, pero above evrything else...you are true to yourself and to everyone. I really admire your strength. Minsan di ko din maisip kun kelan tayo naging mgkaibigan eh...pero I just know that the friendship that we have is something for keeps talaga. We are really blessed and inspired to have you as a friend.
Yup, dami na nga natin napag daan. I'm just glad that we went through all those changes...hay, sabi ko nga sayo, ang swerte ng lalaking mamahalin mo. Ayun nga sa favorite verse natin - 'No eye has seen, No ear has heard, No mind has conceived, What God has prepared to those who love Him." I'm super duper excited for you. Loveyou and see you soon! >:D
bytheway, very nice entry and I can feel that you are really inspired. Keep it up. Mwah!
camille! :) love you!
Post a Comment