SWEET 30 before 30 project
Wednesday, April 28, 2010
soulbirdmate...may ganun ba?
soulbirdmate...may ganun ba?
Wednesday, April 21, 2010
rock, roll and praise
Amazing Grace (My Chains Are Gone)
Run
One Way
No Reason To Hide
Inside Out
Hosanna
At The Cross / I Love You Lord
None But Jesus
I Will Exalt You
This Is Our God
Part 2
The Time Has Come
You’ll Come
His Glory Appears
You Hold Me Now
It’s Your Love
Agnus Dei
Mighty To Save
Take It All
Break Free
Tell The World
How Great Is Our God / Shout To The Lord
Monday, April 19, 2010
R.C.
R.C.
Il Mio Primo Amore : My First Love
“Indescribable, and yes this is MY FIRST LOVE!”
Dance routine song : Indescribable by Chris Tomlin - one of my favorite Christian songs in this lifetime :)
Il Mio Primo Amore : My First Love
“Indescribable, and yes this is MY FIRST LOVE!”
Dance routine song : Indescribable by Chris Tomlin - one of my favorite Christian songs in this lifetime :)
Sunday, April 11, 2010
Chirpy chirp chirp
Bundles of joy = ) Welcome Zig and Van! New companions in my crib,Lutino Peached-face Love birds that will fill my mornings with tweets tweets and chirp chirps ( though they seemed to be quiet for now or they are just sleepy- tired from the 1.5 hours travel from Batangas. )
I was really planning of getting a new buttercup, a dog, cat or a bunny maybe but it seems impossible to contain them in my little home and who will look after them when Im at work? Hence, I looked for an alternative and spotted love birds and small fishes from a pet shop nearby. Weeks passed and it never came into reality, not until now that my friend Vanessa and Zieg Tolentino got married this afternoon. As a gift, they gave me two adorable YELLOW love birds ( in a pink cage by the way with a swing and a blue and pink cutie bells hanging) ! I was ecstatic, it was an answered prayer! *confetti*
Brando is excited too, told me he will look after these lovey doveys when Im not around ( or it was just my brain telling me that) I feel like a mother now.. hahaha... don't know anything about taking care or training love birds but advance thanks to Google and perhaps a couple of friends out there ^_^
hmmm hmmm... love is in the air! Mornings will now be filled with their hum hums and I know Zig and Van will fascinate me :)
10:28PM - i heard a sound *toink* it was Van, she fell from her swing - wasn't able to hold on to her body while dozing off..hahahaha
By the way, Im not really sure who's who..they say it's hard to determine the male and the female, is this true? Though my friends said that the female bites harder T_T good luck to my precious hands or else I have to convince them to do a DNA test. Gahd, the dilemma a mother has to go through! hahaha
* the one with lighter peach on the head is Zig and might be the guy, while the one with darker peach on the head is Van and might be the girl *lol*
Thursday, April 8, 2010
PINILAKANG TABING ( bakit nga ba ganito ang tawag dito?)
Isa kase sya sa mga kaututang dila ko nung siya ay nananatili pa lamang dito sa Pilipinas, isa sa mga nakakita kung paano ako kalakas humagalpak ng tawa, kaarteng umiyak, halos magpakaluka-luka sa damuhong love love na yan at kung ano -ano pa. Kasama ko sya sa mga yugto ng buhay ko nung ako ay nasa rurok ng pagkakilig at kahit na nung sumalampak sa lupa dahil sa pagiging broken hearted. Pati na din sa mga agos ng buhay pag-aaral ng narsing, pagkalito kung ano nga bang daan ang tatahakin ko, at sa mga tagumpay at pag kabigo sa buhay. Hindi ko na din matandaan ang dami ng mga litratong aming pinagkukukuha gamit ang iba't -ibang klaseng kamera ( isama mo na ang perpektong 10 shots) Alam din nya halos lahat ng mga climax ng buhay ko at walang sawang nakikinig sa pagdaldal ko, sa dulo ay yayakapin namin ang katahimikan at ipagdadasal nya ako ng bukal sa puso. Naging saksi din ako sa kanyang buhay pag-ibig,akalain mong naka deyt ko pa isang Valentines ang ngayon ay asawa na nya *lol* pero yun naman ay katuwaan lang, desperado na ata ang mga kaibigan ko sa SFC na ako ay makahanap ng isang matinee idol.. bwuahahaha... mabalik tayo, kaya naman ako ay nalungkot ng todo ng sinabi niyang aalis sila papunta sa ibang bansa at doon ay hahanapin ang kapalaran. Hindi sya ang unang kaibigan kong umalis ng bansa at tuwing may mga gantong pangyayari lagi ko na lamang natatanong bakit kailangan pa nilang gawin ang mga bagay na yun, pagbabago. Nakakalungkot pero sabi nila ay kailangan kaya ayun hahagulhol na lang ako... meron ata ako nung tinatawag nilang "separation anxiety"? Wala naman siguro, iyakin lang talaga ako.
Naku, napakadami ko pang naalala .. pero kanina habang kausap ko sya gamit ang YM ( di nyo na maitatatanong ay ako ang magiging emcee nila sa kanilang Church Wedding *ayus*) nagdidiskusyon kami ng mga wedding supplier. Napatulala ako ng ilang segundo, dati-rati naman ay walang mga ganito..
FLASHBACK : Lalo na doon sa amin sa probinsya, tuwing salo-salo lalo na pag kasalan,alam mo na agad dahil nakabalandra na ang mga dahon ng punong niyog sa garahe, sa gitna ng damuhan na lagyan mo lamang ng mga lamesa at silya ay tuo ka namang "wedding reception" nang matawag. Ibang lebel din ang sayawan sa gabi ng kasal at ang sabugan ng pera kinaumagahan na umaabot ng hanggang isang milyon kung papalarin, naku napakadaming suman ang kapalit noon! Masaya na ang lahat sa salo-salo at ang bagong kasal ay hayun sa gitna kasama ang iba sa presidential table, at sa likudan nila ang styro na desayn kung saan ang pangalan nila ay nakaukit - halimbawa : Pakundo & Amorsilya, may kasama pang puso-puso na may silver glitters sa gilid. Hay naku, simple lang noon subalit ngayon.. iba na..kadami ng echebureche, anik-anik at detalye.
Ang point ko lang naman, ang bilis talaga magbago ng mga bagay (ang excess fat lang yata sa ibaba ng kaliwang mata ko ang hindi nawawala!) Ang sungki kong mga ngipin ay naayos na, naka dalawa pa akong tinapos na kurso subalit iba naman ang naging linya ko, ang bahay namin sa probinsya ay naglevel up na, hindi na ako naghahakot ng tubig sa aming balon, naranasan ko na din ang pagdadalaga, lumandi na din kahit paano, iba't-ibang grupo na ng mga kaibigan ang nakilala ko, pati ang halakhak ko ay nag mature na, mga priority sa buhay iba na din, kahit ang paborito kong kulay nadadagdagan, kulang na lang ay i-declare ko na talagang ROYGBIV!
Lahat ng ito naisip ko kanina habang kausap ko ang aking kaibigan, dati rati kasi ay puro kadramahan sa buhay ang pinaguusapan namin, mas madalas na ako lang ang nagsasalita, iba-ibang yugto sa buhay at kanina ay iba na naman ang aming subject. Kahit sa panaginip ay hindi ko inaakalang pinaguusapan na namin ulit ang mga maseselang bagay sa mga buhay namin, pero ang kaibihan ay iba na ang mga karakter. ( Ano ba namang iPod ito...bigla-bigla na lang tumugtog ang Lumayo Ka Man Sa Akin na dati-rati ay kanta ni Rodel Naval pero dahil uso ang remake ay eto't si Bugoy Drilon na ang umaawit..hahayaan ko na lang na background music ito habang itutuloy ko ang akong pagsulat) Noon ay puro antagonist ang diskusyon namin, aba't mantakin mong mga bida naman ngayon! Hay Buhay, talagang isang engrandeng pelikula ( sa mga hayuk sa telebisyon - ang tawag dito ay telenovela pero mas matindi yung iba - Koreanovela) Lagi nating ini-imagine na tayo ang bida, ang inaapi, ang naghihirap, ang binibigyan ng uber daming pagsubok (parang ako noong bata pa lang, mga 7 yrs.old- akala ko sakin lang gumagalaw ang mundo, sakin ang spotlight at lahat ay mga extra lang. Napatunayan ko na nga atang baliw talaga ako. Napakaganda ko naman baliw kung ganun! ) at ayan na nga tayo ay naghihintay ng ating magandang wakas - pwedeng rags to riches, nakapangasawa ng matandang mayaman , nakakita ang passion, nabuo ang pamilya, nagising sa katotohanang si John Lloyd Cruz ay isang suntok sa buwan (malay natin!), natuklasan ang tamang daan, nakapasok sa bahay ni kuya, nakita si Bro at the best talaga at patok na patok sa karamihan ay pag nakita na ang one tru lab! *panis* napakadaming pwedeng maging happily ever after kahit lagyan mo pa ng eksenang nakatanglaw sa buwan at may background music na nanggagaling sa videoke ng kapitbahay. Pero naku, lahat ito nahuhubog sa iisang bagay lamang.... PAGBABAGO. Kung gaga ka dati, eh di wag ka ng magpaka gaga ngayon, ganun lang yun. Hindi ko nga alam paano ko wawakasan ang panulat na ito, hindi ko din alam kung may sense, pampalipas oras lang habang hinihintay ang huling batch ng labahan ko. Pero siguro iiwan ko na lang bukas ang ending, bahala na kayo paano nyo gusto tapusin ang ating kanya-kanyang palabas. Flop man or blockbuster kayo na ang magkakasagot nyan....
Sa aking kaibigan, congrats sa nalalapit na kasal, alam ko masaya ka :) masaya din kami para sayo. Hayaan mo't sa kaarawan mo ay bibigyan din kita ng sarili mong espasyo dito sa aking mumunting paraiso. Hanggang sa susunod na kabanata..mahaba-haba pa ang lalakbayin nating lahat isara ang pinilakang tabing.
Wednesday, April 7, 2010
PINILAKANG TABING ( bakit nga ba ganito ang tawag dito?)
Isa kase sya sa mga kaututang dila ko nung siya ay nananatili pa lamang dito sa Pilipinas, isa sa mga nakakita kung paano ako kalakas humagalpak ng tawa, kaarteng umiyak, halos magpakaluka-luka sa damuhong love love na yan at kung ano -ano pa. Kasama ko sya sa mga yugto ng buhay ko nung ako ay nasa rurok ng pagkakilig at kahit na nung sumalampak sa lupa dahil sa pagiging broken hearted. Pati na din sa mga agos ng buhay pag-aaral ng narsing, pagkalito kung ano nga bang daan ang tatahakin ko, at sa mga tagumpay at pag kabigo sa buhay. Hindi ko na din matandaan ang dami ng mga litratong aming pinagkukukuha gamit ang iba't -ibang klaseng kamera ( isama mo na ang perpektong 10 shots) Alam din nya halos lahat ng mga climax ng buhay ko at walang sawang nakikinig sa pagdaldal ko, sa dulo ay yayakapin namin ang katahimikan at ipagdadasal nya ako ng bukal sa puso. Naging saksi din ako sa kanyang buhay pag-ibig,akalain mong naka deyt ko pa isang Valentines ang ngayon ay asawa na nya *lol* pero yun naman ay katuwaan lang, desperado na ata ang mga kaibigan ko sa SFC na ako ay makahanap ng isang matinee idol.. bwuahahaha... mabalik tayo, kaya naman ako ay nalungkot ng todo ng sinabi niyang aalis sila papunta sa ibang bansa at doon ay hahanapin ang kapalaran. Hindi sya ang unang kaibigan kong umalis ng bansa at tuwing may mga gantong pangyayari lagi ko na lamang natatanong bakit kailangan pa nilang gawin ang mga bagay na yun, pagbabago. Nakakalungkot pero sabi nila ay kailangan kaya ayun hahagulhol na lang ako... meron ata ako nung tinatawag nilang "separation anxiety"? Wala naman siguro, iyakin lang talaga ako.
Naku, napakadami ko pang naalala .. pero kanina habang kausap ko sya gamit ang YM ( di nyo na maitatatanong ay ako ang magiging emcee nila sa kanilang Church Wedding *ayus*) nagdidiskusyon kami ng mga wedding supplier. Napatulala ako ng ilang segundo, dati rati naman ay walang mga ganito..
FLASHBACK : Lalo na doon sa amin sa probinsya, tuwing salo-salo lalo na pag kasalan,alam mo na agad dahil nakabalandra na ang mga dahon ng punong niyog sa garahe, sa gitna ng damuhan na lagyan mo lamang ng mga lamesa at silya ay tuo ka namang "wedding reception" nang matawag. Ibang lebel din ang sayawan sa gabi ng kasal at ang sabugan ng pera kinaumagahan na umaabot ng hanggang isang milyon kung papalarin, naku napakdaming suman ang kapalit noon! Masaya na ang lahat sa salo-salo at ang bagong kasal ay hayun sa gitna kasama ang iba sa presidential table, at sa likudan nila ang styro na desayn kung saan ang pangalan nila ay nakaukit - halimbawa : Pakundo & Amorsilya, may kasama pang puso-puso na may silver glitters sa gilid. Hay naku, simple lang subalit ngayon.. iba na..kadami ng echebureche, anik-anik at detalye.
Ang point ko lang naman, ang bilis talaga magbago ng mga bagay (ang excess fat lang yata sa ibaba ng kaliwang mata ko ang hindi nawawala!) Ang sungki kong mga ngipin ay naayos na, naka dalawa pa akong tinapos na kurso subalit iba naman ang naging linya ko, ang bahay namin sa probinsya ay naglevel up na, hindi na ako naghahakot ng tubig sa aming balon, naranasan ko na din ang pagdadalaga, lumandi na din kahit paano, iba't-ibang grupo na ng mga kaibigan ang nakilala ko, pati ang halakhak ko ay nag mature na, mga priority sa buhay iba na din, kahit ang paborito kong kulay nadadagdagan, kulang na lang ay i-declare ko na talagang ROYGBIV!
Lahat ng ito naisip ko kanina habang kausap ko ang aking kaibigan, dati rati kasi ay puro kadramahan sa buhay ang pinaguusapan namin, mas madalas na ako lang ang nagsasalita, iba-ibang yugto sa buhay at kanina ay iba na naman ang aming subject. Kahit sa panaginip ay hindi ko inaakalang pinaguusapan na namin ulit ang mga maseselang bagay sa mga buhay namin, pero ang kaibihan. iba na ang mga karakter. ( Ano ba namang iPod ito...bigla-biglang tumugtog ang Lumayo Ka Man Sa Akin na dati-rati ay kanta ni Rodel Naval pero dahil uso ang remake ay eto't si Bugoy Drilon na ang umaawit..hahayaan ko na lang na background music ito habang itutuloy ko ang akong pagsulat) Noon ay puro antagonist ang diskusyon namin, aba't mantakin mong mga bida naman ngayon! Hay Buhay, talagang isang engrandeng pelikula ( sa mga hayuk sa telebisyon - ang tawag dito ay telenovela pero mas matindi yung iba - Koreanovela) Lagi nating ini-imagine na tayo ang bida, ang inaapi, ang naghihirap, ang binibigyan ng uber daming pagsubok (parang ako noong bata pa lang, mga 7 yrs.old- akala ko sakin lang gumagalaw ang mundo, sakin ang spotlight at lahat ay mga extra lang. Napatunayan ko na nga atang baliw talaga ako. Napakaganda ko naman baliw kung ganun! :P ) at ayan na nga tayo ay naghihintay ng ating magandang wakas - pwedeng rags to riches, nakapangasawa ng matandang mayaman , nakakita ang passion, nabuo ang pamilya, nagising sa katotohanang si John Lloyd Cruz ay isang suntok sa buwan (malay natin!), natuklasan ang tamang daan, nakapasok sa bahay ni kuya, nakita si Bro at the best talaga at patok na patok sa karamihan ay pag nakita na ang one tru lab! *panis* napakadaming pwedeng maging happily ever after kahit lagyan mo pa ng eksenang nakatanglaw sa buwan at may background music na nanggagaling sa videoke ng kapitbahay. Pero naku, lahat ito nahuhubog sa iisang bagay lamang.... PAGBABAGO. Kung gaga ka dati, eh di wag ka ng magpaka gaga ngayon, ganun lang yun. Hindi ko nga alam paano ko wawakasan ang panulat na ito, hindi ko din alam kung may sense, pampalipas oras lang habang hinihintay ang huling batch ng labahan ko. Pero siguro iiwan ko na lang bukas ang ending, bahala na kayo paano nyo gusto tapusin ang ating kanya-kanyang palabas. Flop man or blockbuster kayo na ang magkakasagot nyan....
Sa aking kaibigan, congrats sa nalalapit na kasal, alam ko masaya ka :) masaya din kami para sayo. Hayaan mo't sa kaarawan mo ay bibigyan din kita ng sarili mo ng espasyo dito sa aking mumunting paraiso. Hanggang sa susunod na kabanata..mahaba-haba pa ang lalakbayin nating lahat bago marating ang pinilakang tabing.
Thursday, April 1, 2010
happy machine
The result: I found what I’m looking for. The happy hormone is coming back to me now.