Sunday, September 5, 2010

Chicken happy soup

Palaboy na naman ako ngayon, mag-isang binabaybay ang kahabaan ng EDSA sakay ang segmented na uod na kulay blue. Habang naglalakad papunta sa loob ng mall umatake na naman ang "emo mode" kaya't nagsimulang mag-type  gamit si Dory.

Minsan nakakatakot maging masaya, alam kasi natin na posibleng may kapalit na kalungkutan. Minsan din para bang naiisip ko din na hindi naman ata ako deserving maging masaya - guilt trip drama! Hinahanap ko ang kasiyahan at ng makita ko  parang gusto ko naman pakawalan, baka kase panandalian lang.

Ang kalungkutan ba ay tugma sa pag-iisa? May nabasa akong article dati, lahat daw tayo destined talaga na mag-isa, kanya-kanyang buhay talaga at lahat ng nasa paligid ay external lamang kahit pa naimbento ang mga katagang friendship, family or kaya naman ang love. Pero hindi dahil mag-isa ka ay hindi ka pwedeng makaramdam ng kasiyahan.

Kaya sa kabila ng lahat, pipiliin ko na lang maging masaya, hayaang lamunin ako ng napakasarap na emosyong bumabalot sa akin ngayon, d bi bale ng bukas makalawa ay bumisita si kalungkutan. Ang nakakatuwang katotohanan naman may kapalit din itong kaligayahan. Cycle lang kumbaga.

...Maingay ang paligid,napakadaming tao na naman sa mall dahil Linggo. Heto ako nakaupo, humihigop ng mainit na chicken noodle soup mag-isa pero sa kabila ng lahat, masaya :)



ubos na ang chicken noodle soup *burp*



Natuwa din ako sa video na ni-share ni labidubs sa wall nya few weeks back, so true kaya sana maka inspire din sa inyo :)

No comments:

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...