Friday, August 27, 2010

FRIEND-ster

In spite being a busy bee today and because Facebook and all other social networking sites were blocked, my officemates and I found an old friend... (drum rolls and curtains down please..)

haha, old friend it's been a while
tada! As I entangled the spider webs from my friendster account, I was able to at least change my profile pic, update my status ( ahem) and well, familiarize myself again to the nitty -gritty of Friendster ( crap, had a hard time finding that button to change my profile pic).

 Nope, I have no plans of really really going back. But here is an open letter to you Friendster :

Dear Friendster,

In fairness, na miss kita ^^ Huwag kang mag-alala, nasa puso at isipan ko pa din naman ang masasayang araw natin. Tandang -tanda ko pa noong una tayong magkita, ibinigay ko pa lahat ng impormasyong kailangan mo ng mas makilala mo ako. Isa ka sa mga nagdala sa akin sa mundo ng internet, tila ba ang kasikatan  mo noon ay walang katapusan. Ikaw ang dahilan para makita ko ulit ang mga kaibigan kong akala ko'y nalimot na ako. Ikaw ang nagbigay daan na mailathala ko ang mga magagandang larawan at malulufet na testimonials ( minsan lang nakairita yung iba na pinipilit akong pasulatin ng labag sa kalooban ko). Laking pasasalamat ko din dahil kung hindi sayo ay patuloy akong mabubulag sa nakaraan, hindi ka talaga marunong magtago ng sekreto, buti na lang dahil diyan ay nabigyang liwanag ako sa aking kabaliwan.

Dumaan ang mga araw, buwan at taon. Nakakalungkot man ay nakilala ko si Facebook. Naaliw ako sa kanya, masakit mang aminin ay "he's way better than you", mas dumali ang buhay ko, mas naging masaya ako sa piling nya. Hindi ko na namalayan na tuluyan na pala kitang inabandona sa kalawakan ng internet. Kung ikaw ang naghatid  sa akin ng katotohanan noong 2008, kundi hindi dahil sa kanya ay  hindi ko naman  makikilala ang aking bagong liwanag.

Ikaw ang una kong minahal, but I need to move on. Huwag kang mag-alala paminsan-minsan ay bibisitahin pa din kita, kahit paano'y may mga old school pa din akong kaibigang ayaw yakapin ang pagbabago at na-stuck na sayo. Kapit ka lang, may target market ka pa din naman lalo na ang mga nagkalat na jejemons kong kaibigan.

Salamat kaibigan, hindi kita makakalimutan :)

xoxo,
Sweet

No comments:

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...