Umaatake na naman ang insomnia..bakit nga ba? hindi ako mapalagay nitong mga nakaraang araw...hindi naman ako malungkot, wala naman (siguro) na bumabagabag sakin, pero hindi din ako sobrang saya na nai-imagine ko.
Ano bang meron?
- yung laptop ko kulay puti na tapos may mansanas sa likod na umiilaw, masaya sana pero hindi naman talaga akin kundi sa opisina - medyo depekto pa kaya hindi pa final ang hatol - at least unang blog nakatikim na
- tumakbo ako kanina, 3 ikot sa UP kasama ang mga hayskul friends ( na gradeschool pa lang friends na sila.. gulo noh?) ni Thea, tapos humigop ako ng tomato soup at kumain ng salad sa Chocolate Kiss
- nalipat na ako ng department ( for the nth time) sa wakas, malinaw na daw trabaho ko sa opis..dun na lang daw ako sa simply amazing
-feeling ko busy ako pero hindi ko alam kung saan..alam mo yun.. busy pero sa samu't saring bagay
ayan lang naman yung mga nangyari pero bakit kaya ganto...siguro na miss ko lang mag sulat. ang tagal ko ng nagsulat ng matino.. yung sabi nga nila "mula sa puso", hindi naman ako ganoon kagaling sa english at kahit sa tagalog pero parang may bumubulong sakin na parang tikbalang na "sumulat ka" hayyy sana nga one day isang araw matino na yung masulat ko dito. Siguro nalilito din ako..
yung multiply kase parang masyado ng public
yung blogspot naman masyadong private
yung wordpress naman, nakakailmutan ko na
meron din akong iph,xanga,livejournal at kung ano-ano pa
lately tumblr naman ang kinaadikan ko
kaya siguro wala talaga akong dereksyon
hindi ko naiintindihan ang salitang FOCUS!
ang sakit sa ulo.. pero sige masubukan nga yang pokus na yan!
Alam ko na yung pakiramdam ko ngayon.. para akong kukuha ng tubig sa balon tapos nung ilalag-lag ko na yung timba bigla akong napaisip kung talaga bang may tubig sa balon, kase sayang naman baka mabasag yung timba tapos pinaasa lang ako na may tubig dun..tapos ayun, maghahanap na lang ba ako ng poso, tapos sisiguraduhin kong may tubig? Baka naman may bukas, hintayin ko lang muna.
ang gulo noh? ako din naguguluhan na...baka antok lang talaga ako
O sya, Gandang Umaga, mamayang gabi may deyt ako sa sinehan, kasama ko si Popoy, pero iba na ata pangalan nya dito sa sunod na pelikula. Di ko feel yung plot eh, manloloko kase si Popoy dito, nakakaasiwa tuloy. Hay buhay, parang nalantang mga bulaklak...
No comments:
Post a Comment