Tuesday, June 29, 2010

May Insurance ka na ba?

Inilathala muli buhat sa aking Blackbery,written in the between my travel in the metro - alas-siyete hanggang alas-nse ng gabi
( Rode the jeep going to the FX station under the  MRT, umuulan at ng biglang sumagi sa isip ko ang mga bagay-bagay. Aakma na akong mag -type ng nakaramdam na lang ako ng talsik ng tubig mula sa kalsada, nabasa na pala ang likod ko dahil sa pesteng taxi na humaharurot sa daan, pero hindi ito nakapigil sa akin kaya nagsimula akong mag-type)
"Magpapayat ka kase ate, kaya hindi ka nagkakaboyfriend eh! - yan ang tumambad sa eardrums ko, parang gusto ko na lang mag tumbling sa aking narinig, gusto ko din humagalpak sa tawa, lest meron din sa loob ko na gustong umiyak. Sabi ko sa sarili ko lahat ng ito superficial lang, joke lang naman yun galing sa loko-loko kong kapatid pero diba jokes are half-meant?! Haisst! 





(Sumakay na ako ng FX papuntang Ortigas, kahit maulan masaya ako kase wala masyadong heavy traffic. Asa gitnang upuan ako- 2nd mula sa kanan, and just like I suspected nagmistula akong fresh lumpia sa tindi ng siksikan! I continue to type...)

Hindi nyo na maitatanong, hindi lang yun ang unang beses, eto pa ang isang linya na talaga namang nagdadala sa akin sa outerspace : "Hay naku, naiintimidate kase yang mga lalaki sayo, masyado kase strong personality mo- hindi nila kaya ang powers mo!"  - Ano namang ibig nilang sabihin dun? May BO ba ako? Mahilig naman ako maligo! Grabe talaga..kalokohan!


Eto pa isa : "Eh diba nag ho-host ka ng weddings, ang dami mo kayang choices sa mga bachelors lalo na pag nagpa-game ka!"  - Sige lang, kung para lang silang danggit o lechon ng CNT sa Cebu, matagal na akong pumili at nag-uwi. 


Ilan lang yan sa mga  pamatay na linya na wala akong balak paniwalaan. Kung yayaman lang ako sa mga nakakatwang dahilan na ito, milyonarya na ako ( ayus, bibili na ako ng lalaki! haha) Pero bakit ko nga ba sinulat ang mga katagang ito. Una sa lahat para lang malinaw - hindi pa naman ako desperada - and never kong ikamamatay ang di pagkakaroon ng boyplen ( sa ngayon.. hahaha) Sino ba namang babae ang hindi gusto ng isang faiytale? Sa daan-daang wedding hostings ko hindi naman ako pusong bato para hindi maisip ang bagay na yun.


Isa pang tanong na mas mahirap pa i-solve sa isang calculus problem : "Huh? Bakit wala kang boyfriend .. ( eh ang ganda-ganda mo naman / eh 20-something ka na? -mga ganung pahabol ba :P) Sabay manlalaki ang mga mata nila in amazement. Ano naman gusto nilang isagot ko, I'll be left clueless or kakaripas ng takbo or just like the sun hiding behind the clouds. Uhhmm bakit nga ba? Aba eh malay ko ba. 


(Nakarating na ako sa patutunguhan ko, matapos nito derecho naman ako ng Makati. Binaybay ng mga paa ko na ang kahabaan ng Ortigas papuntang Shaw MRT habang binabaybay naman ng daliri ko ang keypad ng Blackberry upang  ituloy ang kwento)
Eto pala, pinakamalupet sa lahat..ngayon kasalanan ko pa : "Baka naman kase masyado kang perfectionist, too picky?! Wala ng matinong lalaki ngayon, pare-pareho sila!"  Ayun na, gumuho na talaga ang kastilyong buhangin ko, daig pa nito ang isang horror film. Yang mga ganyang tao ang iniiwasan ko, pinaglihi sa negative vibes! 


Hindi ako perfectionist  (sa ibang bagay siguro yes!), meron lang akong mga simpleng negotiables at non-negotiables. Hindi din ibig sabihin I judge other people by those stuff. My point is hahanap na din ako ng makakasama mo bat pa ako mag se-settle sa hindi ko gusto or yung pwede na lang kase yung lang ang available? Hindi ko naman kailangan ang excellent agad, good enough is good enough for me. Yung pwede mong makasama sa pagtawa, pag-iyak, pagkabaliw or kahit sa pagka-emo. Yung masasandalan mo ba, mapagkakatiwalaan, yung alam mong nandyan pag kailangan mo, yung alam nya how you feel without you explaining, yung hahamakin lahat or pupuntahan ka kahit nasa Basilan ka pa! Sabi nila dadating din daw yun sa di mo inaasahang pagkakataon, pwede din naman na nandyan na pero hindi mo pa lang na re-realize. 


Naalala ko tuloy, I read a book- Captivating by Stasi Eldridge, pumatak talaga ang luha ko, binalik nito ang essence ko bilang babae. Gaya din sa Bible sabi nga ng peyborit verse ko 


But as it is written, "No eye has seen, no ear has heard, and no mind has imagined the things that God has prepared for those who love him. 
1 Corinthian 2:9
 Yung isa naman tagalog novel - Para Kay B ni Ricky Lee, nakakatuwa din, hindi ko talaga maibaba ang libro na yun kaya naman isang araw ko lang ata binasa. Sabi, may quota daw ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang nagiging maligaya ( ako ba yung 1 out of 5?) Pero ang d ko malilimutan sa sinabi nya ay ito :
(Kailangan ko pang buklatin muli ang libro pagdating sa bahay para iretype ito..)
 “hindi mo pwedeng mahalin ang isang tao nang hindi mo minamahal ang hilaga, silangan, timog at kanluran ng kanyang mga paniniwala. Kapag nagmahal ka`y dapat mong tanggapin bawat letra ng kanyang birth certificate. kasama na doon ang kanyang libag, utot at badbreath. pero me limit. pantay-pantay ang ibinibigay na karapatan sa lahat ng tao upang lumigaya, masaktan o magpakagago, pero kapag sumara na ang mga pinto, nawasak na ang mga puso, nawala ang mga kaluluwa at ang bilang ay umabot na sa zero, goodbye na.”


Tama, hindi na pwedeng magpakabuwang sa maling pag-ibig. Ako, hindi naman pihikan pero hindi din naman pwedeng basta-basta na, iisa lang ang puso, pag nasugatan hindi na matatanggal ang peklat, pero kung nasugatan man di bale na, maghihilom din yan. Madami na akong experience sa larangan na yan pero hindi ako expert. May mga kaibigan nga ako na kahapon umiiyak dahil sa break-up tapos mantakin mong pagkatapos ng isang buwan may bago na syang mahal. Kanya-kanyang diskarte lang yan, walang basagan ng trip. Dati nagtataka ako pano nagagagawa ng iba na magmahal ng madaming beses, dati kase bulag pa ako sa first love kaya ang thinking ko isang beses lang. Saka bakit naghihiwalay ang dalawang pusong nagmamahalan..bakit may nang-iiwan, may naiiwan. Ako, halos nagawa ko na din lahat sa ngalan ni kupido : nagpaka martyr, abnoy, corny,mangmang,superhero at kung ano-ano pa. Minsan pag binabalikan ko - natatawa na lang ako. Siguro lahat ng yun paghahanda sa pagdating ng knight in shining armor ko. Pero wala pa din kasiguraduhan na yung susunod ay ang The One na, mahilig kasi tayo sa security. Kung inenegosyo ko ang pag-ibig magtatayo ako ng insurance company - pag sinaktan ka ng taong mahal mo - insured ka! Sana hindi lang pera, insured ka na mawawala agad ang sakit, na makakalimot ka agad, na may kapalit. Pero unfair din naman yun, hindi maeexperience ang wholeness of life. Magiging boring ang buhay. Iba't-iba ang hugis ng pag-ibig kala mo ba, halo-halong hitsura. Narinig mo na ba ang  "hindi sila bagay..", "" Ay siguro gusto ng green card kaya pumatol.." , "Ang chaka nung gurl..", "para namang kape't gatas", "Mas maganda pa ko dyan eh!" , " It's us -sabi ni JLC" at kung ano-ano pa.. pero basta siguro- pag nalambat ka na ng pag-ibig, wala ka ng kawala. Walang pinipili.

Mahaba-haba ang nalakad ko, siksikan na naman sa MRT, tulakan. Etong mga nasa unahan ko ayaw munang palabasin ang mga tao bago sumakay, ang sarap ipagtulakan papunta sa gitna. 
Kung sino man sya, alam ko di issue lahat ng linyang mga nabanggit ko kanina. Yes, I wanna go back to my perfect shape but Im doing it for myself - to feel better and healthier. Bonus na lang na ma-attract sya sa alindog ko( bwuhahaha) Hindi naman ako magkakagusto sa taong yun lang ang hanap. Syempre gaya nga ng sabi ni Adam Sandler.. someone you can grow old with.


Kung sino man sya, hindi sya intimidated sa strong personality ko, instead it will compliment him. Sabi nga ng kaibigan ko, kapag gusto ka talaga ang isang tao -traffic, mrt, bagyo or kahit pa sya ang pinaka busy na nilalang sa balat ng lupa hindi yun magiging hadlang. Paraparaan lang yan, bakit ako naniniwala sa kaibigan kong to? Isa din kasi syang Adan.
Success! Natapos ng maaga ang meeting ko kaya eto binabaybay ko na muli ang kahabaan ng MRT pabalik sa bahay
Kung sino man sya, di kailangang perfect. Important lang we have the same values in life, looking at the same same road, believing in the same God. Hindi na kailangang Lakers fan sya gaya ko or gusto nya din ang kantang Pyramid ni Charice.


(Asa North MRT Station na ako, at sumakay na ako ng FX pauwi. Siksikan na naman, nag abot ako ng isang daang piso, ilang minuto lang ay tinanong ko na ang sukli. Naabot na daw nya sa akin, hayun umatake na naman ang amnesia ko :_( ...pumara na ako sa kanto, at tinuloy ang panghuling talata ng kwento ko...)
Siya ang aking magiging prinsipe at ako ang magmimistulang prinsesa. Too good to be true? Hindi naman siguro. Ang alam ko lang din, kung sino man sya - napakaswerte nya! hahaha..kasi ang chubby girl na to tapat magmahal ( wapak!) Sasamahan ko kung gusto nyang tumawa, umiyak,magpakabaliw, or even just lay beneath the stars - ayun oh emo mode na. We will know daw pag nahanap mo na yung The One. Gigising ka na lang na naka smile for the very mundane reason, just the thought of that person can make an ordinary day colorful. Yung isang kaibigan ko nag wo-worry baka daw hindi sya enough sa taong para sa kanya...naisip ko na din yan pero bahala na si batman, sabi nga ng isang old adage "Try and try until you die!" walang kasiguraduhan, no return no exchange, park at your own risk, beware of falling debris! kahit ano pa yan, when you fall.. dive daw!


Hayan, na excite naman ako... basta pag nakita na kita, i'll drag you to the greatest adventure , we will run hand in hand and go where the wild things are!


                Sakto, binuksan ko ang gate at umakyat na ako sa bahay. Maghahanda na lang ako iretype lahat ng ito. Maligayang gabi! 

No comments:

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...