Monday, November 29, 2004

Di bat ikaw?


Di ba nga’t napakamakapangyarihan
Nang iyong ngiting aking natatanawan
Ito’y nagmimistulang aking inspirasyon
Nagsasabing ako’y patuloy na babangon

Daig pa nito ang araw na sumisikat
Pumapawi sa aking dibdibing kay bigat
Daig pa nito ang tubig na pumapatid ng uhaw
Tuwing ikaw nasusulyapa’y tila lahat ay bughaw

Ang kislap sa iyong mga ngiting inaalay
Syang nagmimistulang lakas sa aking buhay
Para bang musikang naglalaro sa aking pandinig
Ikaw ang syang biyaya mula sa Diyos dito sa daigdig

Huwag na huwag mong papawiin
Yaang ngiting aking tanawin
Sapagkat yan lamang ang tagahilom at aliw
Nang pusong sayo ang pagmamahal ay di magmamaliw

Kung kaya’t ngumiti ka aking sinta
Sabihin mong di ako nagiisa
Diba’t Ikaw ang aking prinsipe?
At ako ang iyong prinsesa….?



No comments:

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...